Labis na ikinagulat ng mga Madlang Pipol na nanonood ng It's Showtime sa GTV channel dahil sa pagkaputol ng show dahil ipinalabas sa GTV ang NCAA.
Ikinabahala naman ng ilang mga madlang pipol kung bakit pinaigsi ng GTV ang oras ng It's Showtime.
Nauna na rito, ang pagbabahagi ng NCAA na mapapanood sila sa GTV tuwing alas dos ng hapon tuwing Martes, Myerkules at Byernes.
Umasa naman ang mga madlang pipol na gagawa ng paraan ang GTV para hindi maputol ang It's Showtime subalit, taliwas sa inaakala ng mga ito, basta na lamang pinutol ang show pagsapit ng alas dos ng hapon upang bigyan ng daan ang pagpapalabas ng NCAA.
Sa ngayon pinaghihinalaan ng ilang mga madlang pipol na mas pinaburan ng GTV management ang NCAA kaysa sa It's Showtime.
Dahil hanggang alas dos na lamang ang It's Showtime, apektado rito ang Tawag ng Tanghalan segment nila.
Sa kabila nito, maari namang mapanood ng walang cut ang It's Showtime sa A2Z, Kapamilya channel at sa IwantTV.
Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang It's Showtime hinggil sa pagkaputol ng kanilang show at maging ang GTV ay hindi pa rin nagbibigay ng karagdagang pahayag.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumutugon ang pamunuuan ng GTV sa mga katanungan ng netizens kung bakit pinuputol nila ang pagpapalabas ng show.
Hiling ngayon ng ilang mga manonood na sana ay ibalik ng GTV ang dating timeslot ng It's Showtime dahil mas gusto nilang panoorin ito kaysa sa basketball.
Nagbanta naman ang iba na hindi na tatangkilikin ang GTV kung patuloy nilang puputulin ang pagpapalabas ng show.

