Direk Joey Reyes, Nag-React Sa Kasong Kriminal Na Isinampa Ng Isang Grupo Kay Vice Ganda at Ion!


Batikang direktor na si Direk Joey Reyes hindi napigilang magreact sa kinakaharap na criminal case nina Vice Ganda at Ion Perez na isinampa ng KSMBP.


Kamakailan lamang ay naitanong kay Direk Joey kung ano ang masasabi niya sa mabigat na paratang kina Vice Ganda ata Ion Perez dahil lamang sa pagkain nila ng cake icing sa isang episode ng It's Showtime.


Para sa batikang direktor, over reaction lamang umano ang ginawa ng mga nagrereklamo kina Vice Ganda at Ion Perez. Tila sumasabay lamang umano ang mg aito sa kasikatan ng dalawa at sa isyu ng mga ito sa MTRCB.


"I feel it's an over reaction yun ang sa akin lang huh, it's an over reaction because there were thing that can't be done in television. Which can be more criminal in context than eating icing on there fingers hindi ba?"


"So it's a sign of the times sa epekto ng social media sa pagshape ng opinyon ng mga tao na kung minsan napalaki ang yung dapat ay hindi naman."


Dagdag pa nito, "It's a bandwagon mentality, but I hope you know, eventually reason will been out."


Ipinunto naman ng nasabing direktor na hindi naman niya pinapaburan ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez pero hindi naman umano ito sapat para makasuhan at matawag na mga criminal sina Vice Ganda at Ion.