Hiningan ng pahayag si Coleen Garcia hinggil sa matagal ng haka-haka patungkol sa hindi pagkakaunawaan nina Billy Crawford at Vice Ganda.
Matatandaan na dating magkasamang host sina Billy Crawford at Vice Ganda sa It's Showtime mula noong 2009 hanggang noong 2018 nang umali builang host si Billy sa nasabing show.
Si Coleen Garcia ay nasabing noontime show subalit nauna siyang umalis bilang host noong 2016.
Samantala, mula noong umalis sa It's Showtime ay hindi na siya namamataang kasama ng mga dati niyang kasamahan sa show.
Kaya naman, hayagan nang naitanong kay Coleen Garcia kung mayroon nga bang isyu sa pagitan nina Billy Crawford at dating mga kasamahan niya sa It's Showtime.
"Parang ano naman yun, it's just like kahit naman yung mga friends ko and everything we kinded rift apart," pahayag ni Coleen.
Dagdag pa niya, "It's hard to keep in touch naman talaga with everybody. I wouldn't say it's just the same as before na araw-araw kaming nagkikita. Whether we like it or not araw-araw kaming nagkikita ngayon, bihira ko na lang silang makita."
Nilinaw din ni Coleen Garcia na walang katotohanan ang isyu patungkol sa umano'y hindi pagkakaunawaan nina Billy at Vice.
"Kung ano man yun, sa kanila na yun. Mas ok na sila nalang ang tanungin niyo. Pero yung sa amin at sa kanila, as of now wala naman."
Matagal ding namahinga sa showbiz si Coleen Garcia mula nang mabuntis at manganak sa panganay nila ni Billy Crawford.