Kolumnista Nag-React Sa Sinabi Ni Sharon Na Di Niya Favorite Si Frankie, Kita Naman Daw Na Kampi Ito!


  Sa isang episode ng programa ni Manay Cristy Fermin na Cristy Ferminute, hindi nito napigilan na magreact sa mga pahayag ni Sharon Cuneta sa media conference para sa concert na pagsasamahan nila ng kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion.


Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanyang opinyon hinggil sa isyu na kinakaharap ng pamilya ni Sharon.


Napag-usapan din nila ang naging pahayag ni Sharon kung saan iginiit nitong wala umano siyang favorites sa kanyang mga anak. Taliwas ito sa mga kumakalat na balita na umano'y mas pinapaboran niya ang anak kay Kiko Pangilinan na si Frankie.


Ayon kay Cristy Fermin, kapos ang paliwanag na ito ni Sharon Cuneta na bumalandra pa tuloy sa kanya.


Binasa rin ni Manay Cristy Fermin ang komento ng isang netizen ukol sa relasyon ngayon ng mag-iina kung saan sinasabi nitong halata naman na talagang pinapanigan ni Sharon si Frankie dahil kaugali naman umano sila.


Pahayag pa ni Cristy Fermin, "Ako'y naniniwala na ang bawat ina talaga ay nagmamahal sa lahat ng anak totoo yun."


"Pero ito hindi po talaga maipagkakaila na maraming mga magulang na nakatutok sa atin ngayon, ay may pagkakataon po na meron tayong kinikilingan."


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin, na may pagkakataon talaga na ang isang ina ay nakakapagbigay ng mas maraming attention sa ibang anak habang tila nawawalan naman ng oras sa iba.


Gayunpaman, sa kabila nito, tiyak umanong mahal ng ina ang ang lahat ng kanyang anak.