Tila hindi naman kinakabahan ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isinampang kaso laban sa kanila ng kanyang asawa na si Ion Perez.
Matatandaan na kamakailan lamang ay sinampahan sila ng kaso ng KSMBP dahil sa kanilang pagkain ng cake icing sa isang episode ng It's Showtime.
Tinawanan lamang ni Vice Ganda ang katanungan ng isang reporter hinggil rito, pahiwatig na hindi siya kinakabahan sa kasong kinakaharap.
Hindi naman ng anumang komento si Vice Ganda bagkus iginiit niya na naroon siya sa nasabing event ng kaibigan para mag-enjoy.
Kapansin-pansin din ang pagtawa ni Vice Ganda ng maitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa KSMBP.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naman talaga kilala ang nasabing grupo. Napag-uusapan lamang ito ngayon nang magsampa na sila ng kaso laban kina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa kabilang banda, binabatikos ngayon ng ilang mga tagahanga ni Vice Ganda ang reporter ng TV5. Ayon sa kanila, wala umano sa hulog ang pagtatanong nito kay Vice Ganda.
Sa ngayon ay patuloy pa ring umiere ang noontime show na It's Showtime dahil sa apela nila hinggil sa pagpapasuspinde ng MTRCB.