Ibinahagi ng It's Showtime host na si Ryan Bang sa kanyang Instagram account ang kanyang guesting sa Kapuso comedy show na Bubble Gang.
Sa latest Instagram post ni Ryan Bang, makikitang kasama niya ang buong cast ng Bubble Gang. Ibinahagi rin niya ang behind the scene ng kanyang taping sa GMA Compound.
Mababasa rin ang pangaan ni Ryan Bangv na nakasaulat sa dressing room ng Bubble Gang.
Samantala, kumakalat rin ngayon ang video clip kung saan makikitang game na game si Ryan Bang sa pakikipagTikTok sa isang Kapuso na si Lexi Gonzales.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging guest at napanood si Ryan Bang sa GMA Network. Matatandaan na naging guest na rin si Ryan Bang sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan nakasama niya si Jhong Hilario.
Sa kabilang banda, marami naman sa mga manonood sa Kapuso Network ang natutuwa dahil sa muling pag guest ng isang Kapamilya artists sa isang Kapuso shows.
May mga nagsasabi pa na talagang nagwakas na ang network wars dahil sa nagaganap na mga collaborations ngayon sa pagitan ng mga Kapamilya at Kapuso shows.
Sa ngayon, hinihintay ng mga manonood ng Bubble Gang na si Vice Ganda naman ang magiging guest sa nasabing show.
Hindi na ito malabong mangyari dahil nauna nang nagpahiwatig ng kagustuhan si Vice Ganda na maging guest sa nasabing show.

