Joey De Leon, Negatibo Sa Ilang Netizens Matapos Ang ‘Lubid Joke’ Sa E.A.T?!


 Nahaharap ngayon sa matinding kontrobersya ang E.A.T host na si Joey De Leon dahil sa insensitive remark niya patungkol sa lubid na maaring isasabit sa leeg.


Mapa-fan o hindi ni Joey De Leon, hindi natutuwa sa kanyang biro. Kaya naman marami ang nanawagan sa MTRCB upang maaksyunan nila ang mga hindi magandang ginagawa ni Joey De Leon.


Nangyari ang pagbibiro ni Joey De Leon sa segment na Gimme 5 ng E.A.T kung saan hiningan nila ng limang bagay ang contestant na maaring isabit sa leeg.


Makikitang nahirapan itong mag-isip at tanging necklace lamang ang nabanggit.


Subalit nabaling ang atensyon ng lahat sa naging suhestyon ni Joey De Leon sa maaring kabilang sa mga sagot.


"Lubid, lubid, nakakalimutan niyo."


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkomento si Joey patungkol sa sensitibong isyu ng mental health.


Binalikan tuloy ngayon ng ilang mga netizens ang naging pahayag noon ni Joey De Leon patungkol sa depression.


Para kay Joey De Leon, gawa-gawa lamang ng taon ang depression.


"Yung depression, gawa-gawa lang ng mga tao 'yan. Gawa nila sa sarili nila," pahayag ni Joey De Leon.


Tila kinontra naman ito ni Maine Mendoza at ipinunto na hindi biro ang depression.


"Uy pero hindi biro 'yun ha, 'yung depression."


Pagpapaliwanag pa ni Maine Mendoza, "Hindi siya joke. Hindi kasi syempre maraming nakakaranas ng ganun lalo na sa mga kabataan. Kaya dapat kapag mayroong nakaranas ng ganun, bigyan natin ng support."


Subalit, muli itong kinontra ni Joey De Leon at ipinahayag na hindi kailangang bigyan ng support ang mga taong nakaranas ng depression dahil gawa-gawa lamang umano nila ang depression.


"Hindi, huwag niyo suportahan. Gawa-gawa lang nila 'yon."


Naniniwala din si Joey De Leon na nagpapasosyal lamang ang mga taong nagsasabing nakakaranas sila ng depression.


"Nagpapasosyal lang. Pag mayaman, depression. Pag mahirap, wala, wala nang pag-asa."


Sa ngayon ay binabato ng mga netizens ng samu't-saring pambabatikos si Joey De Leon dahil sa pagiging insensitibo nito at may muli pang nagbukas sa usapin patungkol kay Pepsi Paloma.