Kasado na sana ang guesting ng mga It's Showtime hosts sa Family Feud sa GMA7 subalit, tila nagkaroon ng aberya sa schedule kaya hindi natuloy ang guesting.
Sa darating na October 2, mag-uumpisa na ang panibagong season ng Family Feud na hosted pa rin ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, maaring maging magkalaban ang Team ni Vice Ganda at Team ni Anne Curtis sa Family Feud.
Ang guesting ng mga It's Showtime hosts ay mangyayari sana sa pilot episode ng panibagong season ng Family Feus, subalit dahil sa conflict ng kanilang schedule ay hindi na muna ito matutuloy.
Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung kailan mangyayari ang guesting ng mga It's Showtime hosts sa Family Feud dahil hinahanapan pa umano ng tamang shedule ang grupo nina Vice Ganda at Anne Curtis na hindi conflict sa kani-kanilang mga schedules.
Sa kabilang banda nagbigay ng pahayag si Dingdong Dantes kung saan sinabi niyang looking forward siya sa guesting ng mga It's Showtime hosts sa Family Feud.
Bukod dito, masaya ring ibinahagi ni Dingdong Dantes na magkakaroon sila ng Family Feud Kid Edition at bubuksan na rin umano nila ang kanilang programa para sa lahat ng mga gustong sumali at maglaro.
Inamin rin ni Dingdong Dantes na namiss niya ang paghohost sa Family Feud na nagkaroon muna ng season break.
"Na-miss ko siya, pero parang hindi rin. Kasi kahit saan ako pumunta, pinapaalala nila, tinatanong nila kung kailan ba babalik kapag nakikipagkwentuhan ka na. Ibinabalik nila ang mga questions ng Family Feud."

