Nagbigay ng saloobin ang kolumnistang si Many Cristy Fermin sa napapabalitang nagbubuntis na ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na naging dahilan ng pagkaka-resched ng concert ni Sarah sa Pampanga.
Sa kamakailang episode ng kanilang vlog na showbiz now na, kabilang sa kanilang mga napag-usapan ang tsikang buntis na si Sarah matapos ang mahigit sampung taon nilang relasyon ni Matteo Guidicelli.
"Kung totoo po ang balitang umiikot ngayon sa apat na sulok ng showbiz maging sa labas, maraming maliligayahan. Naglilihi na raw si Sarah Geronimo?"
Ang pinagmulan umano ng balitang ito ay ang pagkakapostpone sa concert ni Sarah kasama si Bamboo dahil sa medical condition ng singer.
"Ang sabi ng Viva, ang kanyang management agency, 'yung kanyang medical condition ang dahilan nga raw. Ano kaya 'yun? E mukha namang walang sakit si Sarah. Masigla naman."
Sakaling totoo naman umano ang balitang ito ay hindi na masama dahil matagal naman rin silang magkarelasyon ni Sarah at Matteo, tatlong taon na rin umano silang kasal.
Marami pa ang nagsasabi na baka ito na umano ang tamang pagkakataon para magkaayos na sina Sarah at nang mga magulang nito.