KyleDrea at FranSeth Muling Magsasama Sa It's Your Lucky Day!


 Inaabangan ngayon ng mga netizens ang pagsasamang muli ng Gold Squad sa show na pansamantalang papalit sa It's Showtime habang suspended ito.


Inanunsyo na ng ABS-CBN kung sino-sino ang magiging host sa It's Ypur Lucky Day, ang show na pansamantalang papalit sa It's Showtime habang namamahinga ito dahil sa suspension.


Ang Gold Squad ay binubuo nina Kyle Echarri, Seth Fedelin, Andrea Brillantes at Francine Diaz. Nabuo naman ang squad nang magkasama sila noon sa iisang teleserye na pinamagatang Kadenang Ginto.


Samantala, magsisimula na ngayong October 14, 2023 ang It's Your Lucky Day na pagsasamahan nila. Bukod sa Gold Squad, magiging host din ng nasabing show sina Luis Manzano, Melai Cantiveros,  Robi Domingo at iba pa.


Nagbubunyi ngayon ang mga fans ng KyleDrea dahil hindi umano nila inasahan na makakasama si Kyle Echarri sa magiging hosts ng show at muling magkakasama ang Gold Squad.


Matatandaan na hindi nakasama si Kyle Echarri sa mga rumored artist na makasama sa mga host ng programa na siyang papalit sa It's Showtime.