Tila narindi na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pambabatikos sa kanya ng mga netizens at sinusubukang pakialaman ang kanyang pamilya lalo na ang relasyon niya sa kanya mga anak.
Iniintriga ngayon ang aktres na si Sharon Cuneta bilang may kinikilingang ina sa pagitan ng kanyang dalawang anak na may magkaibang ama.
Si KC Concepcion ay anak ni Sharon Cuneta sa kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion. Habang si Frankie naman ay anak ni Sharon sa kanyang asawa ngayon na si Kiko Pangilinan.
Matatandaan na nauna nang naiulat na tila may hindi pagkakaunawaan ang dalawa nang mag-unfollow sila sa kani-kanilang Instagram account.
Mula noon, pinagkukumpara na ng ilang mga netizens ang dalawa at kung sino ang mas pinapanigan ni Sharon Cuneta.
Kaya naman, tila nainis na si Sharon sa paulit-ulit na pangungumpara pang-iintriga ng mga netizens kung saan ipinahayag niya hindi importante ang pananaw ng ibang tao sa kanila.
“For the record sa’yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip, kayo ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO.
"Tumigil na kayo at ‘di kayo nakakatulong. Plus, WALA KAYONG HALAGA SA AMIN NA OBVIUOUSLY GUSTO [NIYO] MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA.”
Dagdag pa ni Sharon, “Buhay n’yo asikasuhin n’yo at WALA KAYONG kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi-tagpi o ginagawa.”