Ipinagtanggol na ng social media influencer na si Yexel Sebastian ang kanyang sarili hinggil sa pagtuturo sa kanila ng kanyang girlfriend bilang scammers.
Matatandaan na naging matunog ngayon ang mga pangalan nina Yexel Sebastian at Mikee Agustin nang dumulog sa tanggapin ni Sen. Raffy Tulfo sa Raffy Tulfo in Action ang mga investors na na-scam umano ng magkasintahan.
Ayon sa mga nagrereklamo, mahigit 200 million ang na-scam ng dalawa.
Samantala, nagbigay na ng pahayag si Yexel Sebastian sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kung saan nilinaw niya wala siyang kinalaman sa pang-iiscam at legit din umano ang kanilang casino.
"Legit ang Junket.
Legit lahat ang tao.
at Legit ang Operation
Hindi yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka branch sa isang Casino na Legal,
para magka Junket kung illegal ito.
Yan ang pagkaka alam namin lahat ayon sa nakita ng mga mata namin nun panahon nayun."
Ayon pa kay Yexel na napagpasyahan niya ngayon na magsalita dahil natatakot na ang kani-kanilang mga pamilya para sa kanila ni Mikee.
"Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya,
"Ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko mai ayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na.
"Pati kaligtasan namin ay nalaganay na sa alanganin, Masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin ni Mikee and Zyph."
Sa kabila nito, marami pa rin ang nagsasabi na dapat ibalik nina Yexel Sebastian at Mikee Agustin ang pera ng kanilang mga investors upang matahimik na ang isyu.