Vice Ganda, Ion Tinawanan Lang Ang Suspension Na Ipapataw Ng MTRCB Sa It'S Showtime!


 Vice Ganda, Ion Perez at iba pang It's Showtime sumagot  sa pag-deny ng MTRCB sa kanilang inihain na motion for reconsideration.


Matatandaan na naglabas ng 12 days airing suspension noon ang MTRCB dahil sa paraan ng pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing. Agad naman na naghain ng motion for reconsideration ang pamunuan ng It's Showtime dahil naniniwala sila na walang ginawang mali ang show.


Sa kabilang banda, dahil sa pag-deny ng MTRCB sa apela ng It's Showtime magkakaroon ng bakasyon ang show dahil hindi sila eere sa loob ng dalawang linggo.


Kaya naman nakaisip na si Vice Ganda kung saan nararapat magbakasyon.


Ayon kay Vice Ganda, "Pupunta tayo sa Korea sa ating nalalapit na bakasyon."


Ipinahayag ito ni Vice Ganda sa segment na 'Tawag ng Tanghalan'. Talagang inaabangan ito ng mga tagahanga ni Vice Ganda ang kanyang reaction hinggil sa pagkakasuspinde ng kanilang show dahil sa tuluyang pag-deny ng MTRCB sa kanilang apela.


Naisip ni Vice Ganda na magpunta sa Korea dahil sa pagbati ni Ryan Bang sa Thanks giving day ng Korea.


Sa kabilang banda, hindi naman napigilan ng mga madlang pipol ang malungkot dahil dalawang linggo nilang hindi mapapanood ang It's Showtime sa television.


Ang ilan pa sa mga ito ay hayagang ibinunton sa chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto ang kanilang inis dahil sa pagkaka-suspend ng It's Showtime.