Sa naganap na press conference ng pagpirma ni Carla Abellana sa All Access to Artist o Triple A Management, sinagot ng actress ang ilan sa mga personal a katanungan na ibinabato sa kanya partikular na ang tungkol sa dating asawa na si Tom Rodriguez.
Matatandaan na magkasama sina Carla Abellana sa iisang management si Tom Rodriguez sa ilalim ng pangangalaga ni Popoy Caritativo.
Sa kabilang banda, naitanong din kay Carla Abellana kung handa na ba siya sakaling muling magkita sila ng dating asawa na si Tom Rodriguez sa GMA7.
Agad naman itong sinagot ni Carla Abellana, kung saan ipinahayag niya na hindi talaga maiiwasan na magkita silang muli ni Tom Rodriguez dahil nasa iisang network lamang siya.
Gayunpaman, iginiit ni Carla Abellana na wala na siyang mararamdaman na kahit ano sa oras na magkita silang muli.
"Hindi naman po yun maiwasan, dahil 'yun nga po, same industry po kami bilang artista. Pag nagkataon po 'yun inevitable po 'yun, of course matagal ko na pong naisip yun. Na-prepare ko na po ang sarili ko. Parang wala na po, wala na akong maramdaman kung sakali man pong mangyari yun."
Sa kabila nito, ipinahayag ni Carla Abellana na hindi niya papansinin si Tom Rodriguez dahil may mga bagay siyang dapat na pagtuunan ng pansin kaysa rito.