Hiniling ng mga fans ng It’s Showtime sa government na tuluyang i-abolish ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos ibasura ng ahensya ang Motion for Reconsideration na inihain ng noontime show na It's Showtime para iapela ang 12-days airing suspension na ipinataw laban sa kanila.
Matatandaang nasuspinde ang It’s Showtime matapos makarating sa MTRCB ang reklamo ng ilang mga netizens sa viral video ng pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing sa harap ng mga bata sa isa sa kanilang segment, noong July 25, 2023.
Naantala ang suspensiyon matapos iapela ng It’s Showtime ang desisyon. Gayunpaman, nitong September 28, ay tuluyang binasura ng MTRCB ang Motion at ipinag-utos na suspindihin ang noontime show.
Marami naman sa mga fans ng It's Showtime ang hindi nasiyahan sa desisyon ng MTRCB na tuluyang suspindehin ang It's Showtime. Dahil dito hinihiling nila sa government na tuluyan nang buwagin ang MTRCB.
May mga nagsasabi pa na napaka-unfair ng MTRCB ngayon at tila ginagamit na umano ng ilang mga nasa pwesto sa personal na pamamaraan.
“Dapat lahat ng mag cocomment mag hashtag #AbolishMTRCB wala din naman kwenta tong agency na to. Waste of money lang gingugugol dito. Ibigay na lang sa mga mahihirap pera nakalaan dito. #AbolishMTRCB”
"“Can someone please start a signature campaign to abolish MTRCB, sayang pera ng bayan sa mga moralistang imoral na yan #AbolishMTRCB #LalaSottoResign”