Lala Sotto, Hindi Ibababa Ang Parusa Sa Showtime Dahil Kay Vice Ganda


 MTRCB Chairperson na si Lala Sotto, hindi ibababa ang parusa sa ipinataw nila sa It's Showtime dahil hindi umano nakikipag-usap sa kanila si Vice Ganda at iba pang hosts ng It's Showtime.


Sa isang panayam kay Lala Sotto, isiniwalat niyang hindi nila babaguhin ang parusa na ipinataw ng kanilang ahensya sa noontime show na It's Showtime dahil hindi naman nakikipag-cooperate ang mga ito sa kanila.


"No efforts, no dialogue, no form of coordination or cooperation," pahayag ni Lala Sotto.


Ayon pa kay Lala Sotto, baka hindi na umano gumaan ang parusang ipinataw ng kanilang ahensya sa It's Showtime dahil hindi naman nagreach out sa kanila.


Iginiit pa ni Lala Sotto na maaring nagbago o nabawasan ang parusa ng nasabing noontime show kung sakaling nakipag-cooperate lamang sa kanila ang mga tao sa likod ng It's Showtime at maging sina Vice Ganda at Ion Perez na pangunahing sangkot sa icing isyu.


Hindi rin umano pumanta sa kanilang tanggapan ang mga taong sangkot sa iba't-ibang violations ng It's Showtime upang makiusap na mabawasan ang kanilang parusa habang pinag-uusapan pa umano ng 13 board members ang magiging final decision para sa It's Showtime.


Samantala, isiniwalat din ni Lala Sotto na 27 members ng board ang bumoto na i-deny ang inihain moton for reconsideration ng It's Showtime.


Gayunpaman, muling iginiit ni Lala Sotto na hindi siya kabilang mga bumoto na isisuspinde ang It's Showtime.


Sa kabilang banda, iginiit din ni Lala Sotto na hindi rin siya nakikialam sa desisyon ng board sa noontime show na E.A.T na kinabibilangan ng kanyang ama na si Tito Sotto.