Nag-name Drop Na, Vice Ganda Rektang Pinaringgan Si Rendon Labador


Tahasan nang pinaringgan ng Unkabogable star na si Vice Ganda ang self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.


"This song is brought to you by Rendon Labador."


Sa kamakailang episode ng show ni Vice Ganda na 'Everybody Sing'  humirit si Vice Ganda ng pasaring kay Rendon Labador habang kinakanta ng OPM band na Ben And Ben ang hit song nilang Araw-Araw.


Iniba ng nasabing band ang lyrics ng kanilang kanta para ipahula sa kanilang mga kontestant ang tamang lyrics.


"Mahiwaga, babasagin ka araw-araw," binagong lyrics ng Ben And Ben.


Tila naisip naman ni Vice Ganda na parang sumakto kay Rendon Labador ang binagong lyrics ng kanta kung saan palaging sinisira nito ang kanyang araw.


Agad naman naghiyawan ang mga contestant sa hirit ni Vice Ganda at maging ang Ben And Ben ay napatalon pa. Ito rin kasi ang kauna-unahang pagkakataon na hayagang binanggit ni Vice Ganda ang pangalan ni Rendon Labador sa kanyang banat.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Rendon Labador sa mga detractor at basher ni Vice Ganda.


Sa katunayan, isa si Rendon Labador sa naunang magreklamo sa 'malaswang' ginawa umano nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng It's Showtime.