Best Dressed ABS-CBN Ball 2023!


 Naganap na inaabangang ABS-CBN Ball matapos ang ilang taon na hindi pagkakaroon ng ganitong klaseng event ng nasabing network matapos mawalan ng prankisa at dahil sa pandemya.


Bukod sa mga naggagandahang mga Kapamilya stars, inaabangan din ng mga netizens ang mga bonggang outfits na sinusuot ng mga ito at kung sino ang makakatanggap ng awards.


Kaya naman narito ang ilan sa mga Kapamilya stars na hinangaan dahil sa magandang nilang outfits. 


1. Kim Chiu


Dumalo si Kim Chiu sa ABS-CBN's Ball suot ang creation  ni Francis Libiran, isang bejeweled corset dress.


2. Kathryn Bernardo


Si Mark Bumgarner ang nagsilbing fashion armor ng aktres na si Kathryn Bernardo. Ang kasuotan ni Kathryn Bernardo, lalo na ang kanyang shoulder, ay kumikinang na tila isang kristal na nagniningning.


3. Catriona Gray


Suot naman ni Catriona Gray ang pinaghalong style ng Classic Hollywood allure at contemporary charm.


4. Belle Mariano


Inirampa naman ni Belle Mariano sa kamakailang event ng ABS-CBN ang likha ni Michael Leyva.


5. Jodi Sta. Maria


Suot ni Jodi Sta. Maria, ang isang clean white gown, na sumisimbolo ng sa purity at grace.


6. Andrea Brillantes


Lutang na lutang naman ang kagandahan ni Andrea Brillantes sa kanyang crimson dress na nilikha ni Michael Leyva.