Nagsalita Na Si Michael V Sa Paghihigpit Ng MTRCB


 Nagbigay na ng opinyon ang beteranong komedyante na si Michael V. hinggil sa paghihigpit ng MTRCB sa mga komedyante na lumalabas sa Telebisyon.


Nagpahayag ng protesta si Michael V, sa ginagawang paghihigpit ng MTRCB sa mga inilalabas ng ito na alituntunin nito hinggil sa mga comedian sa panahon ngayon.


Ayon kay Michael V, minsan na iisip na umano niya  na iwan ang pagiging komedyante dahil sa raming restrictions at magpa sexy na lamang sa VivaMax.


Sa kabila nito, nilinaw naman ni Michael V na hindi naman niya hinihiling na tuluyang tanggalin ang MTRCB para mapanatili ang check and balance sa system policy.


"I believe na ang MTRCB, meron talaga dapat na ano, sila kasi dapat ang mediator. Kahit naman sabihin nila na 'huwag mong gawin ito'. Pwede mo rin naman ipilit kung gusto mo talaga e. Kaya lang magkakaproblema ka, online."


Ipinunto naman ni Michael V na bagamat maraming nagrereklamo na mga netizens online. Wala naman umanong restrictions ibang mga social media platforms sa mga content na naglalaman ng mga green jokes.


"Minsan nga, kahit online sinasabi nila sa social media, sa online, sa YouTube, walang ano, walang restrictions pwede mong gawin kahit ano pero naka-cancel ka pa rin."


Dagdag pa ni Michael V, na talagang nasa society na ngayon ang kontrol kaysa sa MTRCB.


"Nasa netizens, sila yung magsasabi kung ano talaga ang naaappreciate nila at hindi nila naaappreciate. Sila 'yung magsasabi kung ano ang nakaka-offend at hindi nakaka-offend."