Nagbigay na ng pahayag ang Movie and Televison Review and Classification sa kumakalat na balita na may policy ang It's Showtime na 'No Work, No Pay'.
Ibig sabihin, kapag matuloy ang 12 days suspension ng It's Showtime walang maiuuwing sahod ang mga staffs sa kani-kanilang mga pamilya.
Ayon sa inilabas na pahayag ng MTRCB, iginiit nila na magkaibang bagay ang ibinigay nilang suspension sa 'no work, no pay' ng It's Showtime.
"The decision of MTRCB to suspend 'It's Showtime' and the 'no work, no pay' issue are two separate and distinct matters."
Inilabas ng MTRCB ang kanilang pahayag na ito matapos ang panawagan ni Senator Bong Revilla na i-consider ng ahensya ang mga staffs ng It's Showtime na mawawalan ng sahod sa loob ng 12 days dahil sa policy na 'no work, no pay'.
Ayon kay Sen. Bong Revilla, nakakaawa ang mga empleyado ng It's Showtime dahil kadalasan sa mga nagtatrabaho sa entertainment industry ay may policy na 'no work, no pay'.
"Sila yung mga 'no work, no pay' na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin."
Subalit ayon sa MTRCB, hindi magkatulad ang usapin patungkol sa 12 days airing suspension at sa kawalan ng sahod ng mga 'no work, no pay' staff ng It's Showtime.
"The suspension, in fact, underscores the broader and more presing matter of contractualization within the entertainment industry."
Dagdag pa ng MTRCB, "The issue deserves sincere attention from the producer."
Paglilinaw pa ng ahensya, na kasalanan ng management ng show kung bakit mawawalan ng kita ang kanilang mga employees dahil hindi nila ito ni-regular kahit ang kanilang show ay umiere anim na araw sa isang linggo at lampas sampung taon nang pinapalabas sa television.
Isiniwalat pa ng MTRCB na mas malaking isyu para sa management ng It's Showtime ang hindi pagri-regular sa kanilang staff kaysa sa 12 days airing suspension ng show.
"The practice by the Producer, or Management to not regularize their employees, even when a show has been airing live for six days a week, for over a decade, highlights a much bigger than the show's 12-airing-day suspension."