Nagbigay ng pahayag ang veteran comedian na si Michael V hinggil sa kinakaharap ngayon crisis ng noontime show na It's Showtime bilang saloobin niya sa pagdeny ng MTRCB sa motion for reconsideration ng show.
Matatandaan na maraming mga netizens ang nanawagan sa government na i-abolished na ang MTRCB dahil nagsasayang lamang ito sa pera ng bayan.
Taliwas nito ang paniniwala ni Bitoy, naniniwala siya na mediator ang MTRCB sa pagpapatupad ng restrictions sa mga television shows at series lalo na sa mga rated SPG.
"I believe na ang MTRCB, sila 'yung mediator. Kahit naman sabihin nila na, 'Huwag mong gawin ito', pwede mo pa rin namang ipilit kung gusto mo talaga. Kaya lang, magkakaproblema ka," pahayag ni Bitoy patungkol sa kinakaharap na isyu ng It's Showtime.
Matatandaan na sa isang panayam, isiniwalat ni Lala Sotto na mas nakatutok sila sa mga shows na rates SPG. Dahil dito, may mga nakakalusot sa kanila kabilang na ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez.
Ayon kay Lala Sotto, nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga netizens kalakip ang mga resibo sa pinaniniwalaang violation ng show.
Dahil dito, naniniwala si Michael V na sa panahon ngayon ang netizens na ang totoong may hawak ng restrictions at hindi ang MTRCB.
Ang mga netizens na rin umano ang nagdidesisyon kung nakaka-offend na ba ang ginagawa sa show at kung ano ang sa tingin nila tama at mali.
Samantala, isiniwalat din ni Michael V na ilang beses na rin silang napatawag ng MTRCB. Sa katunayan ay nakatanggap umano sila ng letter mula sa MTRCB kamakailan lang.
"So, we take it on ourselves, kami na 'yung may self-censorship, actually na-summon na kami ng MTRCB, recently nga nakuha ko 'yung letter, ise-share ko sa social media para lang mapaalala sa mga tao na talagang nangyayari ito kahit noon pa."
Pagbabahagi pa ni Michael V, "Ang network supported kami before wala naman kaming mga lawyers kapag nagte-taping kami, ngayon meron na para immediately masabi kaagad kung pwede o hindi natututo naman kami at naga-abide kami."
Dagdag pa niya, "Ang objective mo lang naman is magpatawa ng tao, minsan nakakalimot ako at kapag kinausap naman ako, nakikinig naman ako at meet halfway naman at natutuloy naman ang project."