Joey De Leon Naglabas Ng Mensahe Para Sa Mga Bumabatikos Sa Kanyang Lubid Joke


 Nagbigay na ng pahayag ang Henyo Master na si Joey De Leon hinggil sa pinag-uusapang lubid joke niya sa isang episode ng E.A.T na umaani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens.


Gamit ang isang tula na nilikha ng dating kasamahan na si Michael V, inaddress ni Joey De Leon ang kinakaharap na kontrobersya sa ginawa niyang joke patungkol sa mga sinasabit sa leeg.


“Mahirap na ngayong magpawa.”

Marami na ngayong namumuna,

Tingin nila mas magaling sila,

Sila ang dapat narito pala!

Eh ano ang tawag sa kanila?

Kung sa lugar mo’y ang tagal mo na?

Mas kwela sila palagay nila

Ayunnnn… INGGITERO’T INGGITERA!" pagbabahagi ni Joey De Leon.


Matatandaang nakatanggap si Joey ng mga batikos online dahil sa kanyang biro noong isa sa mga episode ng E.A.T, kung saan sinabi niya sa isa sa mga manlalaro ng Gimme V: Laro ng mga Henyo na ang 'lubid' ay maaari ding isabit sa leeg ng isang tao.


Nauna na ring humingi ng paumanhin ang pamunuan ng E.A.T sa MTRCB kung sakaling nakagawa man ng violations si Joey De Leon dahil sa kanyang biro.


“In this regard, the whole E.A.T. management is regretful and apologetic to those who were offended by the said utterance. Rest assured that we are one with MTRCB in advocating a responsible viewing experience for the public,” pahayag ni Jeny Ferre, head of E.A.T creatives and production operations.


Sa kabilang banda, hindi pa rin naglalabas ng anumang public apology si Joey De Leon.