Dominic Roque Sinagot Ang Pumuna Sa Paulit Paulit Na Damit


 Agad na sinagot ng aktor na si Dominic Roque ang isang netizen na pumuna sa kanyang outfit sa tuwing magkasama sila ni Bea Alonzo.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Dominic Roque sa kanyang Instagram account makikita ang isang sweet moment nila ng kanyang fiancee na si Bea Alonzo sa isang sikat na pasyalan sa Florence, Italy.


Agad naman itong umani ng mga paghanga mula sa mga netizens at mga fans ng dalawa. Subalit, may isang fan na pumuna sa pananamit ni  Dominic Roque.


Ayon sa basher palagi na lamang ito ang suot ni Dominic sa tuwing nagkakasama sila ni Bea Alonzo sa mga travel abroad.


"Bakit parang same lang suot mo sa travel niyo ni Ate Bea? Kung gaano kadalas magpalit ng damit ang fiancee niyo po ganun naman kayo kadalang magchange outfit. heehe"


Sinagot naman ito ni Dominic Roque at sinabing ganun talaga iyon.


Matatandaan sa mga naunang vlogs ni Bea Alonzo, sinabi ni Dominic Roque na talagang favorite color niya ang black kaya naman mayroon siyang mga damit na mga itim.


Agad naman pinutakte ng mga fans nina Bea at Dominic ang basher at sinabing bagay naman kay Dominic ang mga itim na damit.