Sa kamakailang episode ng Showbiz vlog ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, binigyan niya ng linaw ang mga kumakalat na balita ngayon hinggil sa singer na si Sarah Geronimo.
Usap-usapan ngayon sa social media na umano'y nagdadalang tao na si Sarah Geronimo na naging dahilan kung bakit naudlot ang concert niya kasama si Bamboo.
Ayon kay Ogie Diaz nakapanayam niya ang mag-asawang sina Sarah at Matteo Guidicelli nang dumalo siya sa grand opening ng G Studios ng power couple.
Isa umano sa mga inusisa niya sa mag-asawa ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Ipinahayag naman umano ng dalawa na hindi nila pinipigilang magbuntis. Naniniwala rin umano sila na dadating ang pagkakataon na bibigyan sila ng anak ng panginoon.
Subalit, napansin umano ni Ogie Diaz na tila iniiwasan ni Sarah ang tanong patungkol sa pagbubuntis.
Naipahayag pa umano ni Sarah na nakaka relate siya sa sinabi ni Yeng sa isang interview. Kung saan takot pa itong mabuntis dahil sa paghihirap na pinagdaanan noon.
“Puwede bang sa ibang pagkakataon na lang natin pag-usapan ‘yan. Medyo ano po, ano ‘yan eh, importante nga po ‘yan. I watched Yeng’s interview at sobra po akong naka-relate. So, ‘yun,” pahayag ni Sarah.
Tila sinalo naman siya ni Matteo at sinabing, in God’s time ay magkaka-baby rin naman sila.
Isiniwalat din umano ng mag-asawa sa interview ang dahilan ng pag-postpone sa Pampanga concert ni Sarah with Bamboo na pinag-ugatan ng haka-haka na nagbubuntis ang singer.
“Medyo nagkulang lang po ng preparation vocally and physically so medyo took a toll sa vocal cords ko.”
Sa kabila nito, siniguro naman ni Sarah na nagpapagaling na siya ngayon.
Samantaqla, isiniwalat din ni Ogie Diaz na tanging pamilya lamang ni Matteo ang dumalo sa kanilang launching at hindi pa rin nagpapakita ang pamilya ng singer.\