Nagbigay ng pahayag ang beteranang aktres na si Judy Ann Santos, hinggil sa napapapabalitang mapapasama sa teleserye ni Coco Martin na Batang Quaipo.
Sa launching ni Judy Ann Santos bilang bagong endorser ng milk brand na Alaska, naitanong sa kanya kung gusto ba niyang pumasok sa “Batang Quiapo”.
Ayon kay Judy Ann Santos, nakahanda siyang pumasok at mapasama sa Batang Quiapo sa isang kondisyon.
“Basta hindi na multiple personality disorder ang character ko, bakit hindi?” pahayag ni Juday.
Matatandaan na napanood noon sa “Ang Probinsyano” si Judy Ann Santos bilang guest star. Kung saan gumanap siya bilang Jane Sebastian, na may multiple personality disorder at isang serial killer.
Samantala, puring-puri naman ni Judy Ann si Coco Martin bilang actor at director.
“He’s a very passionate actor and director at the same time. Nakakabilib na parang hindi siya napapagod. Actually, ako ‘yung napapagod para sa kanya.”