Joey De Leon Dapat Suspendihin Ng MTRCB!


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ng pambabatikos ang batikang komedyante at E.A.T hosts na si Joey De Leon.


Marami ang nagbigay ng negatibong komento sa naging pahayag ni Joey De Leon sa Gimme 5 segment ng E.A.T patungkol sa lubid na maaring pansabit sa leeg.


Ayon sa mga netizens, napaka insensitive ng birong ito ni Joey De Leon. Sa video makikita na hindi naman nababanaag sa mukha ni Joey De Leon ang malisya habang sinasabi ang kanyang biro.


Subalit hindi ito nagustuhan ng mga netizens dahil hindi umano nararapat na gawing biro ang mga ganitong bagay lalo pa't hindi naman natin alam ang mga pinagdadaanan ng bawat isa.


Ayon pa sa ilang mga netizens, hindi nakakatawa ang biro ni Joey De Leon at hindi rin umano ito angkop na ipahayag sa isang noontime show.


Hiling pa ngayon ng mga netizens lalong lalo na ang mga It's Showtime fans na ang birong ito ni Joey De Leon ang karapat-dapat na maging dahilan ng suspension ng show hindi ang simpleng pagkain lamang nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing.


Malinaw umano na may nilabag si Joey De Leon dahil maari may mapahamak sa kanyang biro kagaya na lamang ng mga taong may matinding pinagdadaanan ngayon.


Sa pagkakataong ito, muling nabahiran ang pangalan ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto dahil sa hindi nito pagbibigay ng agarang aksyon sa mga pahayag ni Joey De Leon.


Ito'y sa kabila ng paglabas ng official statement ng MTRCB kung saan sinabi nilang iimbistigahan nila ang pahayag ni Joey De Leon kung may nilabag nga ba ito sa batas.