Humingi ng legal advice si Ogie Diaz upang malaman kung may laban ba talaga sina Vice Ganda at Ion Perez sa mga kasong kinakaharap nila kaugnay sa kanilang icing incident.
Matatandaan na dahil sa ipinakita ng dalawa sa isang epsidoe ng It's Showtime, maaring masuspinde ang show at may kinakaharap pa silang kaso dahil rito.
Kamakailan lamang ay naiulat na tuluyang sinampahan ng kaso sina Vice Ganda at Ion Perez ng KSMBP dahil sa kanilang immoral na gawi na ipinapakita nila sa telebisyon.
Kaya naman, nais malaman ni Ogie Diaz kung talagang may legal basis ba ang KSMBP na magsampa ng kaso laban sa kina Vice Ganda at Ion Perez.
Nagtaning sa isang abogado si Ogie Diaz kung talaga bang may nilabag na batas sina Vice Ganda at Ion Perez tungkol sa kanilang icing incident.
Sa paliwanag ng nasabing abogado, nilinaw niya na hindi niya tinitingnan ang scenario dahil mga sikat na personalidad ang nasasangkot kundi magbabatay lamang siya sa mga nangyari.
Lumaki din ang isyung ito dahil kumalat ang mga video clip sa ilang mga social media platforms.
Bilang abogado naniniwala si Atty. Lim na walang nilabag na batas sina Vice Ganda at Ion Perez sa pagkain nila ng cake icing.
Maari rin naman umanong wala talagang kahulugan ang pagkain nila ng cake icing.
Ipinunto rin nito na ang pagkain ng cake icing ay hindi naman ipinagbabawal.
"Bilang abogado, ako ay naniniwala na hindi naman nilabag nina Ion Perez at Vice Ganda ang batas, ang pagkain ng icing ng cake ay hindi naman labag sa batas."
Naitanong din sa abogado kung hahawakan ba nila ang claim kung hindi sikat na personalidad ang sangkot.
Sagot ng abogado, "We still live in a democratic country, huwag naman nating takutin ang mga kababayan natin ng demanda dahil nagpahayag sila ng kanilang paniniwala."

