Gary Valenciano Nakikipaglaban Matapos Dapuan Ng Bagong Sakit


  Kamakailan lamang ay kumalat sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang may malubhang karamdaman ang singer na si Gary Valenciano.


Dahil dito, pansamantalang naka-hold ang bentahan ng tickets para sa kanyang upcoming shows sa abroad at sa Pilipinas sa darating na October.


Sa kabilang banda, marami naman ang nag-aalala sa kalagayan ni Gary Valenciano ngayon at kung matutuloy pa ba ang mga naunang mga shows na nakaline up sa kanya.


Kaya naman, nagbigay na ng pahayag si Gary Valenciano kung saan ipinaliwanag niya mismo kung ano ang kanyang karamdaman. Nilinaw din niya kung ano ang kanyang mga pinagdaanan sa mga nakalipas na araw.


Nagsagawa na rin umano ng iba't-ibang mga laboratory tests sa kanya na sa kabutihan palad normal naman ang lahat.


Ibig sabihin lamang nito, walang dapat na ipag-aalala ang mga fans ni Gary Valenciano at matutuloy ang mga naunang commitments nito.