Nagbigay ng paalala ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa aktres na si Liza Soberano sakaling maging artista ito sa South Korea.
Ayon kay Cristy Fermin, dapat na maging mas bukas si Liza Soberano sa pagtanggap ng mga negatibong komento at pang-iintriga mula sa mga bashers.
Kailangan umanong maging mas mapagtanggap si Liza Soberano kung nais niyang magtagumpay bilang K-pop dahil mas malala pa umano ang mga bashers ng South Korea kaysa sa mga bashers ng Pilipinas.
"Ang sabi ng mga nagkokomento, kahit sa Hollywood, mas matindi pa jan ang review at comments ng mga tao, laban sa kanila. Lalo kang maghanda sa Korea kung papasok ka na sinasabi mong next Hollywood."
Dagdag pa ni Cristy Fermin, mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano.
"Ang titindi nilang manginsulto, grabe baka lalo kang mapikon doon. Kaya nga raw maraming mga artista doon ang nagpapakamatay dahil hindi nila kinakaya ang mga sinasabi ng kapwa nila Koreano na mga bashers sa kanila at yung iba naman ay pinipili nilang umalis sa pagiging artista doon dahil sa sobrang depression na nararanasan nila."
Kaya naman, paalala ni Cristy Fermin na maging matibay sana ang loob ni Liza Soberano kung sakaling maging matagumpay ang journey niya sa Korea.
Nasabi ito ni Cristy Fermin, dahil sa reaksyon ni Liza Soberano sa mga lumalabas na balita mula sa ilang mga entertainment news sites kung saan agad nitong sinita ang mga bali-balita.
Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, kung dito ay nagpapaapekto na siya sa kanyang mga bashers ano pa kaya kung ang mga bashers naman sa Korea ang babanat sa kanya.
