Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbabalak umano ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc. na bawasan ang bilang ng kanilang daily hosts sa Eat Bulaga bilang bahagi ng kanilang cost-cutting measures.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, plano ng TAPE na magkaroon ng alternate schedule para sa lahat ng hosts nito para maiwasang matanggal ang sinuman sa kanilang show.
May mga usap-usapan pa na tanging sina Paolo Contis at Isko Moreno lamang ang mabibigyan ng regular schedule mula Lunes hanggang Sabado.
Samantala, tila pinabulaanan naman ng TAPE Inc. ang isyung ito at sinasabing ginagawa lamang nila ito dahil ang iba sa kanilang hosts ay may mga shows at TV series din sa GMA Network.
Gayunpaman, malakas ang paniniwala ng ibang mga netizens na nakakaranas na ngayon ng financial difficulties ang Eat Bulaga. Matatandaan na naunang naiulat ang kawalan ng advertisers sa show na siyang magbibigay ng pundo para sa kanilang pinapasahuran na mga hosts at staffs.
Sa kabila nito, naniniwala naman ang mga tagasuporta ng Eat Bulaga at TAPE Inc. na nag-cost cutting ang kompanya para mas lumaki ang kanilang profit.
Ipinunto pa ng mga ito na noong nasa Eat Bulaga pa ang TVJ ay may schedule na din naman sa kanilang mga hosts.
Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang TAPE Inc. hinggil sa mga isyung ito.