Talagang hindi nalilimutan ni Ion Perez na batiin ang kanyang partner na si Vice Ganda sa kanialng monthsary.
Ngayong araw, September 25, 2023, ipinagdiwang nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang 59th monthsary. Sa segment na Rampanalo ng It's Showtime, binati sina Ion Perez at Vice Ganda ng isang contestant sa kanilang monthsary.
Agad naman itong pinasalamatan ni Ion Perez at ginamit ang pagkakataong ito upang mabati ng live ang kanyang asawa na si Vice Ganda.
"Thank you, thank you. Babe happy monthsary. I love you.. ingat ka. Ingat ka."
Sa ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa It's Showtime si Vice Ganda dahil abala ito sa pagsho-shoot sa para sa season 2 ng kanyang vlog na Gandara: The Explorer.
Kamakailan lamang ay namataan pa si Vice Ganda sa Binan Laguna, Lucena Quezon, Pili CamSur, Baao CamSur at Albay, Bicol.
Samantala, labis na kinabiliban ng mga netizens ang isang video ni Vice Ganda habang namamasyal sa Bicol habang nakasakay sa Quad Bike.
Sa kabilang banda, hindi naman naglalabas ng pagbati si Vice Ganda para kay Ion Perez sa kanyang social media subalit nasisiguro naman ng kanilang mga tagahanga na binati ito ni Vice Ganda sa pamamagitan ng private message.