Antonette Gail, Magpaparetoke Matapos Tawaging ‘Balyena’ Ng Ilang Bashers?!


 Ikinalungkot ng mga tagahanga ng vlogger na si Antonette Gail De Rosario ang dinaranas ngayon ng kanilang idolo sa kamay ng mga mapanghusgang netizens.


Inamin ni Antonette sa ilang mga vlog niya na nakakatanggap siya ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pananaba niya matapos manganak kay Baby Meteor.


Dahil dito, nakakaramdam na umano ngayon ng body insecurities si Antonette Gail.


Kaya naman, nagbabalak ngayon si Antonette na sumailalim sa isang surgery upang mawala ang mga nadagdag na timbang sa kanya.


"Naiinggit talaga ako sa iba, 'Ano ba 'yan kakapanganak lang pero bakit ganon na 'yung katawan nila. Sobrang sexy na.' Syempre, nakakahiya rin kasi sa picture."


"Tapos sinasabihan pa ako ng ibang tao sa vlog na, 'Hala tumaba ka na Antonette hindi na bagay sa'yo. Mukha ka nang balyena'"


Inamin din ni Antonette na noon pa man ay isa na sa kanyang mga insecurities ang kanyang katawan. Lumalala pa umano ito ngayon dahil na rin sa kanyang mga bashers.


"I LOVE MY POSTPARTUM BODY!!!! 🥰


love ko padin naman yung body ko kahit nag gain ako ng weight, and i know na normal yun after manganak & aminado ako na hindi ko na balance yung pagkain ko, pero isa sa insecurities ko is yung katawan ko as of now kasi ang payat ko talaga dati, pero gaya ng ng sabi ko nanganak ako and proud ako kasi bakas yan ni Baby Meteor 😍😘🥰


sa mga mommy din na nag wworry about their body, laban lang guys babalik din yan sa dati. Blessing naman yung dumating satin kahit na ang dami nating pinagdaanang paghihirap😚


YUNG MGA NANG BBODY SHAME SAKIN 🫢🤭 ay nako!!! ABANGAN NIYO YUNG PAG BABALIK ALINDOG KO"


Sa ngayon ay nagdidiet si Antonette at may iniinom na slimming pills bago isagawa sa kanya ni Doc Yappy ang procedure kung saan tinatanggal ang ilang mga body fats niya at ililipat sa kanyang butt part.