Ricci Rivero at Leren Bautista Magka Holding Hands Sa Perya, Lantaran Na Ang Relasyon


 Muling naging laman sa mga usap-usapan online ang ex-boyfriend ni Andrea Brillantes at basketball player na si Ricci Rivero dahil sa kumakalat na larawan nilang magka-holding hands ni Leren Mae Bautista.


Kumakalat ngayon ang mga larawan ng dalawa na sweet at magka holding hands pa habang tila nagdi-date sa isang amusement park.


Matatandaan na nauna nang inakusahan noon si Ricci Rivero na nag-cheat sa relasyon nila ni Andrea Brillantes at ang dating beauty queen at Los Banos Councilor na si Leren Mae Bautista ang third party.


Agad namang pinabulaanan nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista ang isyu laban sa kanila kung saan iginiit nila na wala silang relasyon at hindi si Leren Mae ang dahilan ng nangyaring hiwalayan.


Naglabas pa noon ng official statement ang kampo ni Leren Mae kung saan ipinunto pa nilang malinis ang kalooban ng councilor sa pagsiserbisyo sa bayan.


Sa kabilang banda, tila iba na umano ang ipinapakita ng dalawa ngayon sa publiko kung saan tila lantaran na ang pagkakaroon nila ng relasyon.


May mga bumabatikos pa ngayon kay Leren Mae kung saan tinatawag siyang auntie ni Ricci Rivero dahil sa mas matanda ng limang taon ang dalaga kaysa kay Ricci Rivero.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang aktres at ex mjowa ni Ricci Rivero na si Andrea Brillantes.