Dumalo ang fashion icon na si Heart Evangelista sa Milan Fashion Week upang tunghayan ang ilang mga fashion shows at gumawa ng mga fashion contents.
Bago pa man siya makapasok sa isang building kung saan gaganapin ang fashion show ay hinihintay na siya ng kanyang mga fans at mga photographers para kunan niya ng mga litrato at videos habang papasok.
Labis naman na kinilig ang isa sa kanyang fans na pumuri kay Heart dahil sinagot ito ng fashion actress at sinabihang maganda.
Pinaagbigyan din niya ang ilang mga autograph request ng kanyang mga tagahanga. Pinapatunayan lamang umano ni Heart ang kanyang kabaitan sa kanyang mga tagahanga. Hindi rin umano snob si Heart at may mabuting puso.
Hindi umano ito katulad ng ibang mga celebrities na hayagan kung mangdedma ng mga fans at reporters.