It's Showtime host at aktres na si Kim Chiu nagbigay na ng pahayag hinggil sa matagal nang intriga na binabato sa kanya patungkol sa hindi niya pagdalo sa kasal ni Maja Salvador.
May mga kumakalat na mga usap-usapan sa social media na tila ba'y hindi na na umano magkaibigan sina Maja Salvador at Kim Chiu dahil hindi naimbitahan ang huli sa kasal ni Maja Salvador nitong nagdaang buwan.
Kaya naman, sinagot na ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog ang matagal nang katanungan ng mga netizens kung bakit hindi siya nakadalo sa kasal ng kanyang bestfriend na si Maja Salvador na ginananap sa Bali, Indonesia.
Ayon sa pagbabahagi ni Kim Chiu, hindi naman umano sila sobrang close ni Maja Salvador.
"Hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap and syempre kapag kasal mo gusto mo yung mga taong gusto mo lang andjan to witness to witness your love sa partner mo."
Sa huli, inamin rin ni Kim Chiu na talagang hindi siya imbitado sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez dahil sa isang malalim na dahilan.
Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Kim Chiu na masaya siya sa pagpapakasal ng dalawa.
"Hindi ako naimbitahan, pero okay lang wala talaga. Sobrang happy ko para sa kanya, minessage ko naman siya."
Ibinunyag din ni Kim Chiu na nagkausap sila kamakailan ni Maja noong may nangyari sa kanyang kapatid.
"Natouch din ako noong minessage niya ako noong may mangyari sa ate ko. Sabi niya, pinagpi-pray niya ang ate ko at sana raw ay ok ako.
"Nakausap ko siya noong may nangyari sa ate ko, pero yung sa kasal, hindi naman na iyon importante kung imbitado ka o hindi basta sa sarili mo masaya ka sa nangyari sa kanila."
Sa kabila nito, marami naman ang kumakalat na haka-haka na ang totoong dahilan kung bakit hindi imbitado si Kim Chiu sa kasal ni Maja Salvador ay ang pagkakaroon nila noon ng relasyon sa aktor na si Gerald Anderson.
Matatandaan na tumanggap ng samu't-saring pambabatikos si Maja Salvador dahil sa isyung pang-aagaw niya ng boyfriend noon kay Kim Chiu na walang iba kundi si Gerald Anderson.