Cristy Fermin Binalaan Ang It's Showtime Fans!


 Tila hindi pa rin natatapos ang intriga sa pagitan ng MTRCB at sa noontime show na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng programa ni manay Cristy Fermin, binalaan niya ang mga fans ng It's Showtime na nagpapadala ng threats at patuloy na bumabatikos sa chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto.


Matatandaan na marami sa mga fans ng It's Showtime ang nagalit sa MTRCB dahil sa ipinataw nilang 12 days suspension sa It's Showtime kasunod ng indecent acts nina Ion Perez at Vice Ganda sa isang episode at dahil sa iba pang violations ng show.


Ito' sa kabila ng pagdidiin ni Lala Sotto na wala siyang kinalaman sa desisyon ng kanilang ahensya na suspindehin ang It's Showtime.


Kaya naman, sa gitna ng mga natatanggap na mga pambabatikos ni Lala Sotto at sa mga banta sa kanyang buhay at sa kanyang buong pamilya, naglabas ng paalala si Cristy Fermin para sa mga madlang pipol na naging basghers ni Lala Sotto.


Ayon kay Cristy Fermin, dapat na maghinay-hinay sila sa mga ibinabatong salita laban kay Lala Sotto dahil wala naman umanong kasalanan si Lala.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na dapat hindi nagbibitiw ng mga salita laban rito dahil mapagbiro umano ang panahon, baka mamaya ay babalikwas ang mga pinagsasabi natin.


Sa kabilang banda, hinahangaan rin ni Manay Cristy Fermin ang pagkakaroon ng malawak na kaisipan ni Lala Sotto at sa paraan sa pagtanggap nito sa mga pambabatikos at negatibong komento laban sa kanya at sa kanyang buong pamilya.


Hinamon pa ni Manay Cristy Fermin ang mga bashers ni Lala Sotto na lumantad at magpakilala sa totoo nilang identity upang magkaalaman sakaling idemanda sila ni Lala Sotto.


Sa kabila nito, marami pa rin ang naninindigan na walang ginawang masama sina Vice Ganda at Ion Perez dahil ang mga utak lamang ng mga nagrereklamo ang naglalagay ng malisya sa ginawa nila sa pagkain ng cake.