Very proud ngayon ang Gutierrez Family sa anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas dahil nakapag-ipon ito ng malaking halaga na ginamit nitong pambili ng mamahaling kotse. Si Lorin Bektas ay kasalukuya 20 years old pa lamang.
Samantala, sa isang social media post ipinahayag ni Eddie Gutierrez ang kanyang pagka-proud sa achievement na ito ni Lorin sa edad na 20 years old.
"Congratulations Loriun Gutierrez Bektas, you poor Lolo from Beverly Hills is so proud of you ever since you were a little girl I knew that you will grow up a bright and successful person. Take care and I will always love you. Forever and ever."
Samantala, sa isang video, ipinahayag ni Lorin kung gaano siya naging grateful sa kanyang mga followers na walang sawa sa pagbibigay ng suporta sa kanya upang maabot niya ang kanyang mga goals.
Labis ang kasiyahan ngayon ni Lorin dahil hindi umano niya inaakalang maabot niya ang kanyang goals dahil sa takot niyang lumabas noon sa kanyang comfort zones.
Inamin pa ni Lorin na nakaranas din siya ng paghihirap sa kanyang teenage years. Kaya naman, labis ang pasasalamat niya ngayon dahil nalampasan na niya ang mga pagsubok na ito at natupad na ang kanyang pinapangarap.
Sa edad na 20 years old, binabalanse ni Lorin ang kanyang oras sa pag-aaral at sa pagiging influencer para kumita ng pera.