Sino Ang Muntik Nang Sumuko |Its Showtime !


 Marami ang naantig sa pahayag ni Vice Ganda nang ibahagi niya sa Madlang Pipol ang kwento ng kanyang buhay.


Sa pilot episode ng PasaHero, unang guest si Jose Mari Viceral na mas kilala bilang si Vice Ganda. Dito, inalala ni Vice Ganda ang mga panahon noong nag-uumpisa pa lamang siya sa kanyang career sa showbiz.


Pagbabahagi ni Vice Ganda, nagsimula siyang magtrabaho sa isang comedy bar noong 1998. Muntik na rin umano siyang sumuko sa kanyang pangarap na maging TV personality dahil nakikita niyang nauna nang sumikat sa kanya ang ilan sa mga kasamahan niya sa comedy bar kabilang na sina Ethel Booba, Chocolate at Pooh.


Ang tagal umano niyang naging 'pucho-pucho', matagal siyang naging starlet at matagal na nadadaanan lamang ng kamera.


Sa mga panahong iyon, pakiramdam umano ni Vice Ganda na napag-iiwanan na siya ng mundo. Sa kabila ng paniniwala niyang mas magaling naman siya kaysa sa mga ito.


Unang nakilala si Vice Ganda bilang singer, subalit nauwi siya bilang stan up comedian sa isang sikat na comedy bars. Mula rito, unti-unti nang nabibigyan ng mga minor roles si Vice Ganda sa ilang mga pelikula at serye at nagiging guest na rin siya sa ilang mga TV shows.


Nag-umpisang makilala at sumikat si Vice Ganda matapos maging judge hanggang sa maging regular host ng noontime show na It's Showtime noong 2009.