Kamakailan lamang ay naging laman sa mga usapin sa social media ang pagbibiro ni Joey De Leon patungkol sa lubid sa isang episode ng E.A.T.
Sa segment na Gimme 5 ng nasabing noontime show hindi ikinatuwa ng mga manonood ang biro ni Joey De Leon patungkol sa sagot sa kanilang katanungan patungkol sa mga sinasabit sa leeg.
Pagbibiro ni Joey De Leon, "Lubid. Lubid, nakalimutan niyo."
Hindi naman ito nagustuhan ng ilang manonood dahil masama umano ang tinutukoy ni Joey sa kanyang biro. May mga nagreklamo rin sa MTRCB upang mabigyan ng karampatang aksyon ang ipinahayag ni Joey De Leon.
Muling nabahiran ang pangalan ni Lala Sotto dahil sa mga inirereklamo ng mga netizens na tila pinapaburan umano nito ang noontime TV show na pinangungunahan ng kanyang ama na si Tito Sotto.
Samantala, naglabas na ng opisyal na pahayag ang MTRCB kung saan sinabi nilang iimbestigahan nila ang insidente at nangangako na bibigyan nila ng karampatang parusa ang E.A.T kung mapapatunayan na may nilabag na batas si Joey De Leon.
"Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Televiion Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably vilative of Presidential Decree No. 1986 and/or it's Implementing Rules and Regulations."
Sa kabilang banda, wala pa ring official statement ang noontime show na E.A.T hinggil sa gagawing imbestigasyon sa kanila ng MTRCB.
Maging si Joey De Leon ay patuyloy pa rin sa kanyang pananahimik hinggil sa nasabing isyu.