Hindi naitago ng content creator na si Jinky Anderson, na mas kilala bilang Madam Kilay ang kanyang pagkadismaya sa mga taong inimbitahan niyang maging Ninong at Ninang ng kanyang anak na si Little Lakas.
Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Madam Kilay ang kanyang pagkadismaya sa mga taong ito dahil ini-expect umano niya ang presensya ng mga ito sa special na araw para kay Little Lakas.
Isiniwalat din ni Madam Kilay na karamihan sa mga hindi dumalo ay mga social media personalities at mga TV celebrities.
“Ngayon mag message kayo sakin ng kaplastikan nyo! Yung ibang mga inimbitahan ko na maging ninang at ninong ni Little Lakas na mga kilala sa social media EKIS KAYO!”
“Wala namann problema kung ayaw nyo dapat dineretso nyo na ko nung una pa lang! Maiintindihan ko naman! Hindi ko naman mapplease lahat eh! Hindi yung pina asa nyo ko 1 month before sabi pa “uu naman eme eme! hindi kame mawawala.”
“Tapos the day before ng binyag nag hingi ako ng confirmation snob na ang mga botlog. Pwede naman mag message na ayaw dxaii! Palibhasa mga high profile na. Edi meow! Iilan lang talaga ang totoo sa socmed, sarap nyo i-real talk,” pagrarant ni Madam Kilay.
Sa kabilang banda, hindi pa pinapangalanan ni Madam Kilay kung sino sa mga sikat na social media at TV personality ang dumedma sa kanyang imbitasyon.