Kamakailan lamang ay binabatikos sa social media ang dating aktres na si Neri Merinda dahil sa hindi umano makatotohanan niyang one week meal plan na nagkakahalaga lamang ng one thousand pesos.
Marami ang nagsasabi na malabo itong mangyari dahil sa napakamahal na bilihin ngayon at hindi rin umano maganda na palaging leftovers na lamang ang kainin sa hapunan.
Samantala, sinubukan naman ng Kapuso actress na si Pokwang ang sinasabing meal plan ni Neri.
"Tinray ko yung P1000-challenge kung saan aabutin.. two days. Lima. Tatlong anak, nanay, tatay!"
"So sa lima, yung P1000 inabot ng dalawang araw. And ano ito, walang karne. Walang karne yun! Saka limang kilong bigas."
Sa panahon ngayon kung saan nagmahal na ang lahat ng mga pangunahing bilihin, natitiyak na ang isang libo ay hindi na talaga aabot sa isang linggo lalo pa kung marami kayong kakain.