Lahat Nagulat Sa Pangyayaring Ito! Buong Detalye Sa Ginawa Ng Direktor Kay Maricel Soriano!


 Marami nang natutunan ang premyadang aktres na si Maricel Soriano sa loob ng 50 years niyang pagtatrabaho sa showbiz mula sa mga nakasama niyang direktor at mga kapwa artista.


Sa limang dekada na pagtatrabaho ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa mundo ng entertainment industry ay naranasan na rin niyang mapagalitan ng direktor.


Tandang-tanda pa umano ni Maricel Soriano kung paano siyang napagalitan noon ng direktor sa isang shooting noon para sa pelikulang Galaw-Gaw na ipinalabas noong 1982 kung saan nakasama niya si William Martinez.


Sa solo press conference na ibinigay sa kanyang ng ABS-CBN para sa pagpasok niya sa seryeng Pira-Pirasong Paraiso naibahagi ni Maricel Soriano ang kanyang hindi malilimutang karanasan na ito.


Ang tinutukoy na direktor ni Maricel Soriano ay walang iba kundi ang batikang direktor na si Ishmael Bernal.


Pagbabalik-tanaw ni Maricel Soriano, "May lagnat kasi ako nun pero pumunta ako sa set. Late ako ng ten minutes, nagalit si Direk."


Natatawa pang biro ng aktres, "Mabuti na lang hindi ako nabato ng magic flying chair. 'Yung iba nabato, ako 'di ako nabato. Gusto niya perfect, hindi pwede sa kanya ang good lang. Kailangan mo marinig mo very good."


Isa pa sa itinuturing ni Maricel Soriano na mentor sa showbiz ay ang namayapang Comedy King na si Dolphy. Kinukonsidera din niya ito bilang pangalawang ama sa showbiz industry.


Hindi umano niya kinakalimutan ang mga payo nito at palaging isinasapuso.