Isang malungkot na balita para sa mga Joshnella fans na nag-aabang sa comeback serye ng dating magkaloveteam na sina Joshua Garcia at Janella Salvador.
Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Kapamilya aktres na si Janella Salvador na magkakaroon sila ng teleserye ni Joshua Garcia na kukunan pa sa ibang bansa.
Kinunpirma din ito mismo ng aktor na si Joshua Garcia noon pang July.
Subalit, tila nagtataka ang ilang mga netizens noong nagpunta sa Europe sina Joshua at Janella para sa Asap Natin 'to sa Milan ay walang naganap na taping ang dalawa para sa kanilang upcoming serye.
May mga naglakas loob naman at hayagang tinanong ang aktor patungkol sa comeback series nila ni Janella Salvador.
Agad naman itong sinagot ng aktor na na-move ang schedule ng kanilang series.
"Actually, nalungkot ako na na-move siya kasi naka-set na ang lahat ng mga schedule kasi parang i-aadjust na ibig sabihin parang domino effect na. So mag-iiba na ng schedule."
Kapansin-pansin naman na tila dismayado si Joshua Garcia sa pagkaantala sa kanilang comeback serye.
Sa kabilang banda, marami naman sa kanilang mga tagahanga ang humihiling na sana ay matuloy na ang kanilang serye na muling pagtatambalan.

