Kapamilya Executive May Pahayag Sa Paglipat Ni Carla Abella Sa Abs Cbn!


 Napangiti na lamang ang isang ABS-CBN Executive ng maitanong sa kanya ang patungkol sa bulung-bulungan na lilipat ang Kapuso star na si Carla Abellana sa ABS-CBN.


Abangan na lamang umano ang bonggang surpresa ng ABS-CBN na ngayon lang talaga matutuloy ang contract signing sa pagitan nila ng Triple A Management, ang agency na nagmamanage kina Marian Rivera, Maine Mendoza at Carla Abellana. Ang Triple A ay minamanage ni Mr. Mike Tuviera.


Kamakailan lamang ay kumakalat sa social media ang balitang papasok sa Batang Quiapo ang aktres na si Carla Abellana. Hindi naman ito kinumpirma ng aktres at ng Batang Quiapo.


Subalit, marami pa rin ang naniniwala na may posibilidad itong mangyari dahil sa nalalapit na pag-uwi ni Tom Rodriguez sa Pilipinas at ang paglipat  ng management ni Carla Abellana.


Sa ngayon ay inaabangan ng mga tagasuporta ni Carla Abellana ang pagbabahagi ng aktres sa mga proyekto na gagawin niya sa ilalim ng panibagong talent agency na Triple A.


Kamakailan lamang ay umani ng samu't-saring espekulasyon ang Instagram post ni Carla Abellana kung saan ibinahagi niya ang quote mula sa author na si C.S Lewis.


"There are far, far better things ahead than any we leave behind."


Marami ang naghinala na pahiwatig na ito ni Carla Abellana na iiwan na niya ang GMA na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.


Usap-usapan pa na tatapusin na lamang umano ngayon ni Carla Abellana ang mga nakaline up na projects sa kanya ng GMA7 bago ito tatalbog sa ABS-CBN.