Baron Geisler Nag Aalala Sa Utak Ni Rendon Labador!


 Ikinagulat ng maraming netizens na maging ang actor na si Baron Geisler ay nagreact sa mga pinaggagawa ngayon ng self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.


Ikinababahala ngayon ni Baron Geisler ang mental health ni Rendon Labador. Pagpapayu pa rito ni Baron na kailangan na umanong humingi ng professional help ni Rendon Labador dahil wala na umano sa ayos ang mga pinaggagawa nito at ang mga binibitawang pahayag.


"He doesn't look and sound right," pahayag ni Baron Geisler hinggil sa mga pinaggagawa ni Rendon Labador.


Dagdag na pagpapayo pa niya, “Sana mag focus siya sa mental health niya. Sana he gets help.”


Matatandaan na nasangkot din noon sa samu't-saring kontrobersiya si Baron Geisler matapos ang pagkakalulong niya sa mga masasamang gawain.


Gayunpaman, muli itong nakabangon ngayon dahil sa tulong ng mga professional.


Sa kabilang banda, agad siyang sinagot ni Rendon Labador kung saan ipinunto nitong wala siyang pagkakamali at si Baron ay nalilito lamang.


“Pati si Baron nalito na, ako nga yung nag aalala sa inyong lahat,” paninindigan ni Rendon Labador.