Marami ang nakapansin na mga netizens na tila mas kinakampihan umano ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan at anak nilang si Frankie Pangilinan laban sa kanyang panganay na si KC Concepcion.
Kamakailan lamang ay nagviral sa social media ang pag-unfollow ni KC Concepcion kina Frankie at Kiko Pangilinan na nag-ugat sa hindi pagkakaintindihan nina KC at Frankie dahil sa mga pahayag ni KC patungkol sa pagsasama nina Sharon at Gabby sa isang concert.
Samantala, humihingi ngayon ng paumanhin si Sharon kina Frankie at Kiko Pangilinan dahil sa ginawa umano ni KC Concepcion na pag-unfollow sa kanila.
Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga netizens dahil tila ipinapakita lamang umano rito ni Sharon na talagang mas matimbang at kinakampihan niya sina Frankie at Kiko.
Sa kabila nito, para kay Sharon Cuneta, wala siyang kinakampihan ninuman sa kanyang mga anak dahil pareho lamang umanong matimbang para sa kanya ang mga ito.
Samantala, inihayag din ni Sharon sa nasabing panayam na mas malapit siya ngayon sa kanyang anak na si Frankie dahil magkasing ugali umano sila.
“I don’t play favorites. Some people seem to think favorite daughter ko si Frankie, hindi. I love all my children equally. It’s just that, do’n lang tayo sa totoo. Kung sino ‘yong lagi mong kasama, lagi kong katabi, mayroon lang mas nakakasundo. And among all my children, ang kaugali ko si Frankie.”
Iginiit pa ni Sharon na choice umano ni KC ang lumayo sa kanila at kailanman ay hindi nila ito tinataboy palayo.