Umani ng samu't-saring reaction ang kumakalat na mga video clip patungkol sa aktres na si Liza Soberano na ngayon ay nasa Korea.
Kamakailan lamang ay naglabas ng vlog si Liza Soberano na tinatawag niyang Liza in Korea series. May 15 episodes ang mga vlogs ni Liza kung saan makikita ang kanyang mga pinagkakaabalahan sa pananatili niya noon sa Korea.
Samantala, may mga omokray naman kay Liza Soberano at sinabing sa Korea lang pala ang bagsak nito gayung Hollywood ang naunang pangarap nito.
May mga nagsasabi pang hindi pa naman kinukunsidera ngayon si Liza Soberano bilang isang Hollywood actress. Gayunpaman, nilinaw na ito ni Liza at tahasan niya sinabi sa isang panayam na kabilang siya sa isang strike kaya hindi siya pwede mag-act.
"Right now, I'm not sure if you guys are familiar but there's an actors strike going on in Hollywood. And so, a lot of my efforts for over the past two years was reallu just trying, having awareness for myself and Hollywood because that's we're I wanted to start pursue my career."
Dahil din sa nasabing strike na kinabibilangan ni Liza Soberano at dahil hindi muna siya makakaarte nakafocus na muna sila sa paggawa ng contents kaya naman naproduce nila ang 'Liza in Korea' series.
Bukod sa contents, may business din umanong inaasikaso roon si Liza Soberano at ang kanyang mga business partners ay American at Korean.