Nadadamay ngayon ang actress na si Charlie Dizon sa usapin ng demandahan ng dating celebrity couple na sina Trina Candaza at Carlo Aquino.
Kamakailan lamang ay nagviral ang larawan ng mag-amang sina Carlo Aquino at Mithi na kuha sa isang korte.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sa ngayon ay gumugulong na ang kaso hinggil sa custody ng bata.
Hindi naman maintindihan ng mga netzines, kung bakit kinailangan pang idaan ni Carlo sa korte ang usapan.
Ayon pa sa mga netizens, bakit si Carlo pa ang may lakas nang loob na magreklamo gayung hindi umano ito dumalo sa 3rd birthday party ng anak at tanging si Trina lamang ang nag-asikaso ng lahat. Noong nakaraang taon naman ay nagkasama pa sila sa birthday ni Mithi kahit hiwalay na.
Samantala ayon sa isang source, idinaan ni Carlo ang laban sa korte hinggil sa visitation rights niya sa anak dahil hindi daw siya pinapayagan ni Trina na kunin o hiramin si Mithi.
Tila hindi sila nagkakaintindihan ni Trina, dahil kung matatandaan sa panayam noon ni Ogie Diaz kay Trina, naninindigan si Trina na hindi niya pinagbabawalan si Carlo na makita si Mithi.
Subalit hiling ng aktres na sana hindi dalhin ni Carlo ang anak sa lugar kung saan naroon rin ang kanyang current girlfriend na si Charlie.
Ang ponto ni Trina, hindi hindi maganda para sa kanilang anak na makilala ang sinumang gf ng aktor kabilang na nga ang current gf nitong si Charlie Dizon.
Nilinaw din ni Trina na ang iniiwasan niya ay ang matanim sa utak ng kanyang anak na okay lang ang paiba-iba ng partner. Kung dumating umano yung time na may papapakasalan na si carlo, saka niya hahayan na makipagbonding si Mithi dahil ito ay katanggap-tanggap na, at marahil maging siya ay makipagkita na rin dahil makokonsider na itong second mom ng kanyang anak.
Iniiwasan ni Trina na maexpose si Mithi sa set-up na iba-ibang partner ang makikita niya sa ama. Ayon pa kay Trina okay lang na dalhin ni Carlo sa poder ng kanyang mga magulang si Mithi dahil mga kadugo naman ito ng bata.
Subalit hindi sa gf pa lang ng aktor. Sinang-ayunan naman ito ng ilang mga netizens at pinuri pa si Trina.
Napakabuting magulang umano ni Trina dahil sa bawat desisyon ay lage niyang kinuconsider ang kanyang anak at ang magiging moral values nito.
Sa aspetong ito ay mukhang nag-clash ang dating magkasintahan dahil tila hindi agree si Carlo sa patakarang ito ni Trina, kaya naman sa ngayon humantong na sila sa demandahan.