Tila hindi pa rin nagtatapos ang isyung bumabalot sa maghalf-sisters na sina Frankie Pangilinan at KC Concepcion.
Nagsimula ang usap-usapan tungkol kina KC Concepciona at Frankie Pangilinan nang aminin ni KC Concepcion na masaya siya at kinikilig sa muling pagsasama ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa iisang concert.
Tila hindi umano ito nagustuhan ng anak nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan, para kay Frankie hindi maganda ang sinasabi ng kanyang ate KC na kinikilig pa rin siya sa kanyang mga magulang gayung may bago nang pamilya si Sharon.
Hindi na umano kinibo ni Frankie ang kanyang ate KC mula noon hanggang sa tuluyang nag unfollow-han na sila sa kani-kanilang Instagram account. Maging si Kiko Pangilinan ay in-unfollow rin ni KC Concepcion.
Bagama't walang diretsahang ipinahayag si KC Concepcion sa totoong dahilan ng kanyang pag-unfollow kina Frankie at Kiko, sinabi naman niyang pinapangalagaan lamang niya ang kanyang peace of mind at mental health.
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Frankie Pangilinan at Kiko Pangilinan hinggil sa dahilan at totoong kwento kung bakit nagkaroon ng tila hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila.
Sa kabilang banda, tiyak naman na si Sharon Cuneta ngayon ang naiipit at naapektuhan sa nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay.
Lalo pa't may mga netizens ngayon na kumukwestiyon sa pagiging ina ni Sharon sa kanyang mga anak.