Marami sa mga netizens ang napataas ang kilay ng manalo bilang male best dressed si Joshua Garcia sa naganap na ABS-CBN's Ball 2023 nitong September 30, 2023.
Para sa kanila, mas deserving umano si Piolo Pascual sa nasabing award dahil lumutang umano ang kagwapuhan nito at magaling sa pagdadala ng kanyang suit.
May mga nagsasabi pa hindi perfectly fit kay Joshua ang kanyang suit at nagmukha itong manequin na dinamitan.
“Yes ,, i totally agree.. Joshua looked loke a manequin na dinamitan ng suit.. hindi perfectly fit”
Narito ang iba pang komento ng mga netizens.
“Mukha siyang PA ni Piolo”
“Piolo’s must won the best dress, mas favorite nila ngayun si Joshua bias ang hurado”
“Sinong stylist ni Joshua?…ang sama nung pants..hahaha”
“Ung Kay Joshua parang ready to wear wala nang fitting fitting”
"Feeling ko mas focus na sila sa mga new gen artists tapos ung mga OG, guests lang talaga like di na sila sinasali sa special awards."
"Lol diko feel ang kay joshua pagka kita ko palang sa red carpet mas ok pa yong kay kyle or marco"